Saturday, October 25, 2008

Pagtanggi.

Mula sa iyong labi iyong hiningi ang aking kamay.
Ako'y napaisip. Nagulat marahil.
Hindi ko talaga naakala na sa akin ika'y mahulog.
Tumanggi ng walang pagdududa.
Alam ko. Hindi pa panahon.
Sana ako'y iyong intindihin.
Ang pagtanggi isinukli sa nag-mamakaawa mong puso.

Hindi madali ang tanggihan ka. Lalo na't kaibigan ang turing ko sa iyo.
Kung ito lang ang magiging paraan, maisalba lang ang pagkakaibigan.
Sana ako'y iyong tanggapin bilang kaibigan pa rin.
Huwag mo na sanang pilitin na ako'y mapasayo.


Ako'y sana patawarin kung yan ang sabi ng puso ko.
Ayoko kitang lokohin. Paasahin sa wala.
Hindi kita pwedeng diktahan na ibaling sa iba.
Sino ba ako para gawin yun?

Ngunit ako'y lubos na nagpapasalamat sa paghangang iyong inaalay.
Pero huwag mo sanang asahan may panahon pa para sa atin.
Kung meron man, pagpasensyahan sana kung ako'y muling tumanggi.
Sapagkat kahit kailan pa man hindi ko ninais na maging tayo.

No comments: