Friday, October 3, 2008

Kung alam mo lang..

Hindi mo ba nararamdaman
itong pagmamahal na alay ko para lamang sa iyo.
Sana kahit saglit lang masagi sa isip mo.
Na may taong naghahangad na mapasakanya ka.

Sa mga tingin mo natutunaw
Sa ngiti mo'y nahuhumaling
at sa hawak ng iyong mga kamay ako'y lalong nahuhulog.

Huwag mo sanang masamain kung ako'y hihiling
Na kahit saglit ang atensyon mo'y ibaling lamang sa akin.
Kung alam mo lang na ikaw at ikaw lang ang nagpupungay
ng mga problemang bumabalot sa mundo ko.

No comments: