Tuesday, September 30, 2008

Tula ng Tagong Pag-ibig

Mga bagay na nagdaan.
Bawat pagsubok na nilabanan.
May tanong na gumugulo
sa isipang hindi mapakali,
"Kakayanin ko pa kaya?"

Sa tuwing ika'y nakikita
lalo pa't nakakausap.
Araw ko'y kumukulay
Tila ba wala ng kulang.

Ngunit sa tuwing wala
na akong kasama
hindi mapigilang sumagi sa isip
kung puwede ba talagang maging tayo

Kung iisipin ay imposible
kung susubukan marahil ay maging posible
Ayoko na sanang umasa pa
Lalo't ngang ika'y sa kanya na.

Sadyang itong makasariling puso
hinihiling na ika'y mapasa akin,
siya iyong iwanan at tayo'y magsama
habang buhay...

No comments: