Wednesday, July 16, 2008

ang aking storya

Itong mga nakaraang araw maraming bagay ang mga nangyari. Kung ako lang ang tatanungin, tila yata napaka-bilis ng mga pangyayari. Sa kabutihang palad nalagpasan ko pa rin ang mga pagsubok na dumating sa mga nakalipas ng panahon. Matagal na rin akong hindi nakapag-blog dahil sa napaka-daming gawain ang dapat tapusin at ayusin.
Dahil tapos na rin sa wakas ang mga bagay na dapat pagtuunan ng pansin eh magsisimula na muli akong magsulat at ipamahagi ang mga nangyari sa buhay ko at maging sa buhay na rin ng ibang tao.
Nagsimula ang aking pagiging abala noong campaign period. Araw-araw ang paghahanda, at araw-araw din ang pageensayo para naman sa meeting de avance. Hindi naman sa ayoko, sa totoo pa nga niyan ay napaka-saya at bukal sa aking kalooban ang pagtulong sa aking partida. Unang beses kong tumakbo kaya hindi pa ako nakaranas ng mga ganoong bagay. Sa una ay parang naiilang pa akong tumakbo sa takot na baka matalo lamang. Pero habang tumatagal ay nagkakaroon na rin akong ng kumpyansa sa sarili. At huli ay natutunan ko na kahit matalo ako ang mahalaga lumaban ako. Ngunit, sa awa ng diyos lahat ng paghihirap ko ay nagantimpalaan ng aking pagkapanalo sa election. Aba! labing-isa ang lamang ko sa aking kalaban! Laking tuwa ko! Hay...tila yata napaka-swerte ko at unang beses ko pa lang sumukob ay nanalo na ako.
Pero hindi doon natatapos ang aking pakikipagsapalaran. Ngunit simula pa lamang ng tunay na laban na dapat malagpasan.
Napaka-dami ko ng sinasalihan na organisasyon sa aking paaralan. Bukod sa CAT, ay meron na rin akong SC. Isama pa natin dito ang INSIGHT, at ang career ko sa volleyball. Pero syempre hindi mawawala ang aking focus sa aking pag-aaral. Kahit ano pa man ang aking pasukan hinding-hindi ko pababayaan ang aking studies. Minsan na akong naligaw ng landas ay hindi ko na hahayaang maulit pa iyon.

Sa kabilang banda, katulad nga ng aking sinabi may mga nalaman din ako tungkol sa mga buhay ng ibang tao na lubos kong ikinagulat ng malaman ko ito. Pero wala naman akong magagawa kung ganoon talaga ang gusto nila. Walang problema sa akin pero hindi ko lang lubusan maisip kung bakit nila dapat gawin ang mga bagay na hindi dapat ginagawa ng nga taong matitino ang isip. Sabagay, sa kapanahunan ngayon ay marami na ring mga kabataan ang naiiba ng landas at napupunta sa mga maling kamay. Ipagdadasal ko na lamang na bulungan sila ng mga anghel at hindi ang mga alipin ni satanas. Para naman mas sigurado ang magandang buhay ng aking henerasyon.

Ang aking isip ay nagugulo na rin sa mga taong hindi ko lubusang maisip kung anu ba talaga ang gusto nilang iparating. Napaka-labo at napaka-unpredictable ang mga ginagawa, sinasabi, at ipinapahiwatig nila sa akin ang ganon narin sa ibang tao.

Hindi ko akalain na ganito na pala kahaba ang aking naisulat nang wala pa ako sa kalahati ng aking dapat ikwento. Nakakalunos naman sa makakabasa nito dahil sa haba na ng aking blog. Hindi ko na papahabain at isa-isahin ang iba pang nangyari sa mga nakaraang araw. Bukod sa confidential ang iba rito ay hindi niyo na rin dapat malaman sapagkat hindi rin naman magkakaroon ng impact sa mga buhay niyo. Ngunit ito lang ang masasabi ko sa iba pang "lihim" ng aking storya... Napaka-laki ng epekto ng mga ito sa buhay ko. Maaring maganda ang epekto ngunit minsan ay pakiramdam ko ito'y makakadulot lamang ng kaguluhan sa aking buhay.

No comments: